Tumanggap ka ng paumanhin, mag-utos ka ng nakabubuti, at umayaw ka sa mga mangmang. Al-A‘rāf 7:199 ⧉
Tafsīr:
Tumanggap ka, O Sugo, mula sa mga tao, ng ipinahintulot ng mga sarili nila at ng naging madali sa kanila na mga gawain at mga kaasalan. Huwag kang mag-atang sa kanila ng hindi ipinahihintulot ng mga kalikasan nila sapagkat tunay na iyon ay maglalayo ng loob nila. Mag-utos ka ng bawat pananalitang maganda at gawaing mahusay. Umayaw ka sa mga mangmang kaya huwag mong harapin sila sa kamangmangan nila. Ang sinumang nanakit sa iyo ay huwag mong saktan. Ang sinumang nagkait sa iyo ay huwag mong pagkaitan.