Kung may magbubuyo nga naman sa iyo mula sa demonyo na isang pambubuyo ay humiling ka ng pagkukupkop ni Allāh. Tunay na Siya ay Madinigin, Maalam. Al-A‘rāf 7:200 ⧉
Tafsīr:
Kapag nakadama ka, O Sugo, na ang demonyo ay nagpatama sa iyo ng isang panunulsol o isang pagsagabal sa paggawa ng kabutihan, dumulog ka kay Allāh at mangunyapit ka sa Kanya sapagkat tunay na Siya ay Madinigin sa anumang sinasabi mo, Maalam sa pagdulog mo kaya magtatanggol Siya sa iyo laban sa demonyo.