Tunay na ang mga nangilag magkasala, kapag may sumaling sa kanila na isang udyok mula sa demonyo ay nagsasaalaala sila kaya biglang sila ay mga nakakikita. Al-A‘rāf 7:201 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang mga nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, kapag may tumama sa kanila na isang panunulsol mula sa demonyo, kaya nagkasala sila, ay nagsasaalaala sila sa kadakilaan ni Allāh, parusa Niya para sa mga tagasuway, at gantimpala Niya para sa mga tagatalima, saka nagbabalik-loob sila mula sa mga pagkakasala nila at nagsisisi sila sa Panginoon nila, kaya biglang sila ay nagpakatatag na sa katotohanan, natauhan mula sa dati nilang lagay, at tumigil.