Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 206 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 206 sa 206 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ عِنْدَ رَبِّكَ لَا يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِهِ وَيُسَبِّحُونَهُ وَلَهُ يَسْجُدُونَ ۩ 206
Pagsasalin:
Tunay na ang mga [anghel] sa piling ng Panginoon mo ay hindi nagmamalaki [sa pagtanggi] sa pagsamba sa Kanya, nagluluwalhati sa Kanya, at sa Kanya nagpapatirapa. Al-A‘rāf 7:206
Tafsīr:
Tunay na ang mga nasa piling ng Panginoon mo, O Sugo, na mga anghel ay hindi nagmamataas [sa pagtanggi] sa pagsamba sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – bagkus nagpapaakay doon habang mga nagpapakumbaba nang hindi nananamlay habang sila ay nagpapawalang-kapintasan kay Allāh sa gabi at araw sa anumang hindi naaangkop sa Kanya, at sa Kanya lamang nagpapatirapa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 205 Susunod Al-Anfāl • Talata 1