Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 31 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 31 sa 206 • Tagalog


يَا بَنِي آدَمَ خُذُوا زِينَتَكُمْ عِنْدَ كُلِّ مَسْجِدٍ وَكُلُوا وَاشْرَبُوا وَلَا تُسْرِفُوا ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُسْرِفِينَ 31
Pagsasalin:
O mga anak ni Adan, magsuot kayo ng gayak ninyo sa bawat masjid. Kumain kayo at uminom kayo at huwag kayong magpakalabis; tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga nagpapakalabis. Al-A‘rāf 7:31
Tafsīr:
O mga anak ni Adan, magsuot kayo ng anumang nagtatakip sa mga kahubaran ninyo at ipinapampaganda ninyo na kasuutan na malinis at dalisay sa sandali ng ṣalāh at ṭawāf. Kumain kayo at uminom kayo ng anumang niloob ninyo kabilang sa mga kaaya-aya na ipinahintulot sa inyo ni Allāh ngunit huwag kayong lumampas sa hangganan ng pagkakatamtaman kaugnay doon at huwag kayong lumampas sa ipinahihintulot patungo sa ipinagbabawal. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan ng pagkakatamtaman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 30 Susunod Al-A‘rāf • Talata 32