Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 30 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 30 sa 206 • Tagalog


فَرِيقًا هَدَىٰ وَفَرِيقًا حَقَّ عَلَيْهِمُ الضَّلَالَةُ ۗ إِنَّهُمُ اتَّخَذُوا الشَّيَاطِينَ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ مُهْتَدُونَ 30
Pagsasalin:
May isang pangkat na pinatnubayan Niya at may isang pangkat na nagindapat sa kanila ang kaligawan. Tunay na sila ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik bukod pa kay Allāh at nag-aakala na mga napapatnubayan. Al-A‘rāf 7:30
Tafsīr:
Gumawa nga si Allāh sa mga tao bilang dalawang pangkat: isang pangkat kabilang sa inyo na pinatnubayan Niya, na nagpadali Siya para rito ng mga kadahilanan ng kapatnubayan at nagbaling Siya palayo rito ng mga hadlang dito; at iba pang pangkat na kinailangan sa kanila ang pagkaligaw palayo sa daan ng katotohanan. Iyon ay dahil sila ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik bukod pa kay Allāh, kaya naakay sila para sa mga ito sa kamangmangan habang sila ay nag-aakala na sila ay mga napapatnubayan tungo sa landasing tuwid.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 29 Susunod Al-A‘rāf • Talata 31