Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 89 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 89 sa 206 • Tagalog


قَدِ افْتَرَيْنَا عَلَى اللَّهِ كَذِبًا إِنْ عُدْنَا فِي مِلَّتِكُمْ بَعْدَ إِذْ نَجَّانَا اللَّهُ مِنْهَا ۚ وَمَا يَكُونُ لَنَا أَنْ نَعُودَ فِيهَا إِلَّا أَنْ يَشَاءَ اللَّهُ رَبُّنَا ۚ وَسِعَ رَبُّنَا كُلَّ شَيْءٍ عِلْمًا ۚ عَلَى اللَّهِ تَوَكَّلْنَا ۚ رَبَّنَا افْتَحْ بَيْنَنَا وَبَيْنَ قَوْمِنَا بِالْحَقِّ وَأَنْتَ خَيْرُ الْفَاتِحِينَ 89
Pagsasalin:
Gumawa-gawa nga kami laban kay Allāh ng isang kasinungalingan kung nanumbalik kami sa kapaniwalaan ninyo matapos noong nagligtas sa amin si Allāh mula roon. Hindi nagiging ukol sa amin na manumbalik kami roon maliban na loobin ni Allāh, ang Panginoon namin. Sumakop ang Panginoon namin sa bawat bagay sa kaalaman. Kay Allāh kami nananalig. Panginoon naming, humusga Ka sa pagitan namin at ng mga kalipi namin ayon sa katotohanan, at Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagahusga.” Al-A‘rāf 7:89
Tafsīr:
Lumikha-likha nga kami laban kay Allāh ng isang kasinungalingan kung kami ay naniwala sa taglay ninyong shirk at kawalang-pananampalataya matapos na nagpaligtas sa amin si Allāh mula roon dahil sa kabutihang-loob Niya. Hindi nagiging tumpak ni nagiging matuwid para sa amin na bumalik kami sa kapaniwalaan ninyong bulaan maliban na loobin ni Allāh, ang Panginoon namin, dahil sa pagpapasailalim ng lahat sa kalooban Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Sumaklaw ang Panginoon namin sa kaalaman sa bawat bagay; walang naikukubli sa Kanya mula rito na anuman. Kay Allāh lamang kami sumasandal upang magpatatag Siya sa amin sa landasing tuwid at magsanggalang Siya sa amin laban sa mga daan ng Impiyerno. O Panginoon namin, humatol Ka sa pagitan namin at ng mga kalipi naming mga tagatangging sumampalataya ayon sa katotohanan. Mag-adya Ka sa naaping alagad ng katotohanan laban sa mang-aaping nakikipagmatigasan sapagkat Ikaw, O Panginoon namin, ay ang pinakamabuti sa mga tagahatol."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 88 Susunod Al-A‘rāf • Talata 90