Nagsabi ang konseho na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: “Talagang kung sumunod kayo kay Shu`ayb, tunay na kayo samakatuwid ay talagang mga lugi.” Al-A‘rāf 7:90 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang mga malaking tao at ang mga pangulo na mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niyang tumatanggi sa paanyaya ng Tawḥīd habang mga nagbibigay-babala laban kay Shu`ayb at sa relihiyon niya: "Talagang kung pumasok kayo, O mga kalipi namin, sa relihiyon ni Shu`ayb at umiwan kayo sa relihiyon ninyo at relihiyon ng mga ninuno ninyo, tunay na kayo dahil doon ay talagang mga napapahamak."