Na kami ay hindi nakababatid kung may isang kasamaan ba na ninais sa mga nasa lupa o nagnais sa kanila ang Panginoon nila ng isang pagkagabay. Al-Jinn 72:10 ⧉
Tafsīr:
Na kami ay hindi nakaaalam kung ano ang dahilan ng pagtatanod na matinding ito kung may ninais ba na isang kasamaan sa mga naninirahan sa lupa, o na si Allāh ay nagnais sa kanila ng isang kabutihan sapagkat naputol sa amin ang ulat ng langit.