Na kami, kabilang sa amin [na mga jinn] ang mga maayos at kabilang sa amin ang mababa pa roon; kami dati ay mga pangkating magkakaiba. Al-Jinn 72:11 ⧉
Tafsīr:
Na kami, ang kapisanan ng mga jinn, ay kabilang sa amin ang mga tagapangilag sa pagkakasala na mga mabuting-loob at kabilang sa amin ay mga tagatangging sumampalataya at mga suwail; kami dati ay mga uring nagkakaiba-iba at [may] mga pithayang nagkakalayuan.