Gaganti Siya sa kanila, dahil nagtiis sila, ng hardin at [kasuutang] sutla. Al-Insān 76:12 ⧉
Tafsīr:
Maggagantimpala sa kanila si Allāh – dahilan sa pagtitiis nila sa mga pagtalima, pagtitiis nila sa mga itinakda ni Allāh, at pagtitiis nila sa paglayo sa mga pagsuway – ng hardin na magiginhawahan sila roon at sutla na isusuot nila.