Mga nakasandal doon [sa Paraiso] sa mga supa, hindi sila makakikita roon ng araw [na nakapipinsala] ni ng pagkalamig-lamig. Al-Insān 76:13 ⧉
Tafsīr:
Mga nakasandal doon sa mga kamang ginayakan, hindi sila makakikita sa paraisong ito ng araw na makasasakit sa kanila ang sinag nito ni ng lamig na matindi, bagkus sila ay nasa isang lilim na mamamalagi na walang init doon at walang lamig.