Tunay na ang pinakamasama sa mga kumikilos na nilalang sa ganang kay Allāh ay ang mga bingi at ang mga pipi, na hindi nakapag-uunawa. Al-Anfāl 8:22 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang pinakamasama sa mga umuusad sa balat ng lupa na nilikha sa ganang kay Allāh ay ang mga binging hindi nakaririnig ng katotohanan ayon sa pagkarinig ng pagtanggap at ang mga piping hindi nakapagsasalita sapagkat sila ang hindi nakatatalos tungkol kay Allāh ng mga ipinag-utos Niya ni mga sinasaway Niya.