Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 23 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 23 sa 75 • Tagalog


وَلَوْ عَلِمَ اللَّهُ فِيهِمْ خَيْرًا لَأَسْمَعَهُمْ ۖ وَلَوْ أَسْمَعَهُمْ لَتَوَلَّوْا وَهُمْ مُعْرِضُونَ 23
Pagsasalin:
Kung sakaling nakaalam si Allāh sa kanila ng isang kabutihan, talaga sanang nagparinig Siya sa kanila; at kung sakaling nagparinig Siya sa kanila, talaga sanang tumalikod sila habang sila ay mga umaayaw. Al-Anfāl 8:23
Tafsīr:
Kung sakaling nakaalam si Allāh na sa mga tagapagtambal na tagapasinungaling na ito ay may isang kabutihan, talaga sanang nagparinig Siya sa kanila ayon sa pagkarinig na makikinabang sila at makatatalos sila sa ganang Kanya ng mga katwiran at mga patunay, subalit Siya ay nakaalam na walang kabutihan sa kanila. Kung sakaling Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagparinig sa kanila – bilang pagpapalagay at pagsasaalang-alang – talaga sanang tumalikod sila sa pananampalataya bilang pagmamatigas habang sila ay mga umaayaw.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 22 Susunod Al-Anfāl • Talata 24