Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 24 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 24 sa 75 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اسْتَجِيبُوا لِلَّهِ وَلِلرَّسُولِ إِذَا دَعَاكُمْ لِمَا يُحْيِيكُمْ ۖ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يَحُولُ بَيْنَ الْمَرْءِ وَقَلْبِهِ وَأَنَّهُ إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ 24
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, tumugon kayo kay Allāh at sa Sugo kapag nag-anyaya siya sa inyo para sa magbibigay-buhay sa inyo. Alamin ninyo na si Allāh ay humaharang sa pagitan ng tao at [ninanasa ng] puso nito at na tungo sa Kanya kakalapin kayo. Al-Anfāl 8:24
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, tumugon kayo kay Allāh at sa Sugo Niya – sa pamamagitan ng pagpapaakay sa ipinag-utos Nilang dalawa at pag-iwas sa sinaway Nilang dalawa – kapag nag-anyaya siya sa inyo para sa may dulot ng buhay ninyo na katotohanan. Tumiyak kayo na si Allāh ay nakakakaya sa bawat bagay sapagkat Siya ay nakakakaya na humarang sa pagitan ninyo at ng pagpapaakay sa katotohanan kapag nagnais kayo nito matapos ng pagtanggi ninyo rito, kaya magdali-dali kayo tungo rito. Tumiyak kayo na kayo ay tungo kay Allāh lamang kakalapin sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo na ginawa ninyo sa Mundo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 23 Susunod Al-Anfāl • Talata 25