Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 25 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 25 sa 75 • Tagalog


وَاتَّقُوا فِتْنَةً لَا تُصِيبَنَّ الَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْكُمْ خَاصَّةً ۖ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ 25
Pagsasalin:
Mangilag kayo sa isang pagsubok na hindi nga tatama nang natatangi sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa inyo. Alamin ninyo na si Allāh ay matindi ang parusa. Al-Anfāl 8:25
Tafsīr:
Mag-ingat kayo, O mga mananampalataya, sa pagdurusang hindi umaabot sa sumusuway kabilang sa inyo lamang bagkus umaabot dito at umaabot sa iba pa rito. Iyon ay kapag lumilitaw ang kawalang-katarungan ngunit hindi binabago. Tiyakin ninyo na si Allāh ay malakas ang parusa sa sinumang sumuway sa Kanya kaya mag-ingat kayo sa pagsuway sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 24 Susunod Al-Anfāl • Talata 26