Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 26 sa 75 • Tagalog


وَاذْكُرُوا إِذْ أَنْتُمْ قَلِيلٌ مُسْتَضْعَفُونَ فِي الْأَرْضِ تَخَافُونَ أَنْ يَتَخَطَّفَكُمُ النَّاسُ فَآوَاكُمْ وَأَيَّدَكُمْ بِنَصْرِهِ وَرَزَقَكُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ 26
Pagsasalin:
Alalahanin ninyo noong kayo ay kaunti na mga minamahina sa lupa, na nangangamba kayo na dukutin kayo ng mga tao, ngunit kumanlong Siya sa inyo, nag-ayuda Siya sa inyo sa pamamagitan ng pag-aadya Niya, at tumustos Siya sa inyo mula sa mga kaaya-ayang bagay, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat. Al-Anfāl 8:26
Tafsīr:
Alalahanin ninyo, O mga mananampalataya, nang kayo dati sa Makkah ay kaunti ang bilang, habang sinisiil kayo ng mga naninirahan doon at nilulupig kayo. Nangangamba kayo na kunin kayo ng mga kaaway nang mabilis, ngunit pinagsama kayo ni Allāh tungo sa isang kanlungang pagkakanlungan ninyo: ang Madīnah. Pinalakas Niya kayo sa pamamagitan ng pag-aadya laban sa mga kaaway ninyo sa mga pook ng digmaan, na kabilang sa mga ito ang Badr. Tinustusan Niya kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay, na kabilang sa kabuuan ng mga ito ay ang mga samsam sa digmaan na nakuha ninyo mula sa mga kaaway ninyo. [Ito ay] nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya para magdagdag Siya sa inyo sa mga ito at hindi tatangging magpasalamat sa mga ito para hindi Niya kunin ang mga ito sa inyo at pagdusahin Niya kayo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 25 Susunod Al-Anfāl • Talata 27