Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 48 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 48 sa 75 • Tagalog


وَإِذْ زَيَّنَ لَهُمُ الشَّيْطَانُ أَعْمَالَهُمْ وَقَالَ لَا غَالِبَ لَكُمُ الْيَوْمَ مِنَ النَّاسِ وَإِنِّي جَارٌ لَكُمْ ۖ فَلَمَّا تَرَاءَتِ الْفِئَتَانِ نَكَصَ عَلَىٰ عَقِبَيْهِ وَقَالَ إِنِّي بَرِيءٌ مِنْكُمْ إِنِّي أَرَىٰ مَا لَا تَرَوْنَ إِنِّي أَخَافُ اللَّهَ ۚ وَاللَّهُ شَدِيدُ الْعِقَابِ 48
Pagsasalin:
[Banggitin] noong ipinang-akit sa kanila [na mga tagapagtambal] ng demonyo ang mga gawa nila at nagsabi siya: “Walang tagadaig para sa inyo sa araw na ito kabilang sa mga tao at tunay na ako ay isang tagakanlong para sa inyo.” Ngunit noong nagkitaan ang dalawang pangkat [sa labanan sa Badr] ay umurong siya sa mga sakong niya at nagsabi siya: “Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa inyo. Tunay na ako ay nakikita ng hindi ninyo nakikita. Tunay na ako ay nangangamba kay Allāh. Si Allāh ay matindi ang parusa.” Al-Anfāl 8:48
Tafsīr:
Bumanggit kayo, O mga mananampalataya, ng ilan sa mga biyaya ni Allāh sa inyo: na pinaganda ng demonyo sa mga tagapagtambal ang mga gawa nila kaya nahimok niya sila sa pakikipagkita sa mga Muslim at pakikipaglaban sa kanila. Nagsabi siya sa kanila: "Walang tagadaig para sa inyo sa araw na ito. Tunay na ako ay tagaadya sa inyo at tagakanlong sa inyo laban sa kaaway ninyo." Ngunit noong nagkita ang dalawang pulutong: ang pulutong ng mga mananampalataya kasama ng mga anghel na mag-aadya sa kanila at ang pulutong ng mga tagapagtambal kasama ng demonyo na magtatatwa sa kanila, tumalikod ang demonyo habang tumatakas. Nagsabi siya sa mga tagapagtambal: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa inyo. Tunay na ako ay nakakikita sa mga anghel na dumating para mag-adya sa mga mananampalataya. Tunay na ako ay nangangamba na magpahamak sa akin si Allāh. Si Allāh ay matindi ang parusa kaya walang isang nakakakaya na makapagtiis sa parusa Niya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 47 Susunod Al-Anfāl • Talata 49