[Banggitin] noong nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw at ang mga nasa puso nila ay may sakit: “Luminlang sa mga ito ang relihiyon nila.” Ang sinumang nananalig kay Allāh, tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong. Al-Anfāl 8:49 ⧉
Tafsīr:
Banggitin ninyo noong nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw at ang mga mahina ang pananampalataya: "Nandaya sa mga Muslim na ito ang relihiyon nila na nangangako sa kanila ng pag-aadya laban sa mga kaaway nila sa kabila ng kakauntian ng bilang at kahinaan ng kasangkapan at [sa kabila ng] dami ng bilang ng mga kaaway nila at lakas ng kagamitan ng mga ito." Hindi natalos ng mga ito na ang sinumang sumandal kay Allāh lamang at nagtitiwala sa ipinangako na pagwawagi, tunay na si Allāh ay tagaadya niya at hindi magkakanulo sa kanya maging gaano man ang kahinaan niya. Si Allāh ay Makapangyarihan: walang nananaig sa kanya na isa man, Marunong sa pagtatakda Niya at batas Niya.