Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 50 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 50 sa 75 • Tagalog


وَلَوْ تَرَىٰ إِذْ يَتَوَفَّى الَّذِينَ كَفَرُوا ۙ الْمَلَائِكَةُ يَضْرِبُونَ وُجُوهَهُمْ وَأَدْبَارَهُمْ وَذُوقُوا عَذَابَ الْحَرِيقِ 50
Pagsasalin:
Kung sakaling nakakikita ka kapag nagpapapanaw sa mga tumangging sumasampalataya ang mga anghel habang humahagupit sa mga mukha nila at mga likod nila at [nagsasabi]: “Lumasap kayo ng pagdurusa ng pagkasunog.” Al-Anfāl 8:50
Tafsīr:
Kung sakaling nakasasaksi ka, O Sugo, sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya nang kumukuha ang mga anghel sa mga kaluluwa nila at nag-aalis ng mga ito habang ang mga anghel ay pumapalo sa mga mukha nila kapag humarap sila at pumapalo sa mga likod nila kapag tumalikod sila habang mga tumatakas. Nagsasabi ang mga anghel sa kanila: "Lumasap kayo, O mga tagatangging sumampalataya, ng pagdurusang nanununog." Kung sakaling nakasasaksi ka niyon ay talaga sanang nakasaksi ka ng isang bagay na sukdulan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 49 Susunod Al-Anfāl • Talata 51