Hindi nagkawatak-watak [sa maraming sekta] ang mga binigyan ng kasulatan [na mga Hudyo at mga Kristiyano] kundi matapos na dumating sa kanila ang malinaw na patunay. Al-Bayyinah 98:4 ⧉
Tafsīr:
Hindi nagkaiba-iba ang mga Hudyo na binigyan ng Torah at ang mga Kristiyano na binigyan ng Ebanghelyo kundi nang matapos na nagpadala si Allāh ng Propeta Niya sa kanila sapagkat mayroon sa kanila na nagpasakop at mayroon sa kanila na nagpatuloy sa kawalang-pananampalataya nila sa kabila ng pagkakaalam nila sa katapatan ng Propeta Niya.