Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Bayyinah — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

Al-Bayyinah • Talata 5 sa 8 • Tagalog


وَمَا أُمِرُوا إِلَّا لِيَعْبُدُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ حُنَفَاءَ وَيُقِيمُوا الصَّلَاةَ وَيُؤْتُوا الزَّكَاةَ ۚ وَذَٰلِكَ دِينُ الْقَيِّمَةِ 5
Pagsasalin:
Hindi sila inuutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon [sa pagsamba] bilang mga makatotoo, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Iyon ay ang relihiyon ng pagkamatuwid. Al-Bayyinah 98:5
Tafsīr:
Nalalantad ang krimen at ang pagmamatigas ng mga Hudyo at mga Kristiyano dahil sila ay hindi napag-utusan sa Qur'ān na ito maliban sa ipinag-utos sa kanila sa mga Kasulatan nila na pagsamba kay Allāh lamang, pag-iwas sa pagtatambal, pagpapanatili ng pagdarasal, at pagbibigay ng zakāh. Ang ipinag-utos sa kanila ay ang relihiyong tuwid na walang kabaluktutan doon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Bayyinah • Talata 4 Susunod Al-Bayyinah • Talata 6