Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya maging matuwid ka gaya ng ipinag-utos sa iyo at sa sinumang nagbalik-loob kasama sa iyo. Huwag kayong magmalabis; tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita. (112)
Tafsīr
Mamalagi ka sa pananatili sa daang tuwid, O Sugo, gaya ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh kaya sumunod ka sa mga ipinag-uutos Niya at umiwas ka sa mga sinasaway Niya. Magpakatuwid ang sinumang nagbalik-loob kasama sa iyo kabilang sa mga mananampalataya. Huwag kayong lumampas sa hangganan sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway; tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: