Surah Ar-Ra‘d (Ang Kulog — الرعد) (Talata 42)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




13 Ar-Ra‘d(الرعد), Talata 42

وَقَدْ مَكَرَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ فَلِلَّهِ الْمَكْرُ جَمِيعًا ۖ يَعْلَمُ مَا تَكْسِبُ كُلُّ نَفْسٍ ۗ وَسَيَعْلَمُ الْكُفَّارُ لِمَنْ عُقْبَى الدَّارِ 42 ٤٢

Nagpakana nga ang mga bago pa nila [laban sa mga propeta] ngunit sa kay Allāh ang pakana nang lahatan. Nakaaalam Siya sa nakakamit ng bawat kaluluwa. Malalaman ng mga tagatangging sumampalataya kung ukol kanino ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan. (42)

Tafsīr
Nagpakana nga ang mga naunang kalipunan sa mga propeta nila, nanlansi ang mga iyon sa kanila, at pinasinungalingan sila sa inihatid nila. Kaya ano ang ginawa nila sa pagpaplano ng mga iyon sa kanila? Walang anuman dahil ang pagpaplanong gumagana ay ang pagpaplano ni Allāh hindi ng iba pa sa Kanya, kung paanong Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nakaaalam sa lahat ng mga gawa ng nilikha sa kabuuan nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga ito. Sa sandaling iyon ay malalaman ng mga tagapagpasinungaling na ito kung gaano sila naging mga nagkakamali sa kawalan ng pananampalataya kay Allāh at kung gaano ang mga mananampalataya ay naging mga tama kaya makakamit ng mga ito dahil doon ang Paraiso at ang kahihinatnang maganda.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba