Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Siya ay ang nagpasilbi ng dagat upang kumain kayo mula rito ng malambot na laman at humango kayo mula rito ng hiyas na isinusuot ninyo. Nakikita mo ang mga daong habang mga bumubungkal dito, upang maghangad kayo mula sa kabutihang-loob Niya; at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat [sa Kanya]. (14)
Tafsīr
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagpaamo para sa inyo ng dagat kaya nagpakaya Siya sa inyo sa pagsakay rito at paghango ng narito upang kumain kayo mula sa mga nahuhuli ninyo na mga isda nito na laman na makatas na malambot at humango kayo mula rito ng palamuting isinusuot ninyo at isinusuot ng mga kababaihan ninyo gaya ng perlas. Nakikita mo ang mga daong habang mga bumibiyak sa mga alon ng dagat. Sumasakay kayo sa mga daong na ito sa paghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh na natatamo mula sa tubo ng kalakalan, sa pag-asang magpasalamat kayo kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa inyo at magbukod-tangi kayo sa Kanya sa pagsamba.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: