Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 2)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 2

يُنَزِّلُ الْمَلَائِكَةَ بِالرُّوحِ مِنْ أَمْرِهِ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ أَنْ أَنْذِرُوا أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا أَنَا فَاتَّقُونِ 2 ٢

Nagbababa Siya ng mga anghel, kalakip ng espiritu mula sa utos Niya, sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, [na nagsasabi:] “Magbabala kayo na walang Diyos kundi Ako, kaya mangilag kayang magkasala sa Akin.” (2)

Tafsīr
Nagpababa si Allāh ng mga anghel, kalakip ng pagkasi ng paghuhusga Niya, sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga sugo Niya, [na nagsasabi:] "Magpangamba kayo, O mga sugo, sa mga tao laban sa pagtatambal sa Akin sapagkat walang sinasamba ayon sa karapatan kundi Ako kaya, mangilag kayong magkasala sa Akin, O mga tao, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-utos Ko at pag-iwas sa mga sinasaway Ko."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba