Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 27)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 27

إِنَّ الْمُبَذِّرِينَ كَانُوا إِخْوَانَ الشَّيَاطِينِ ۖ وَكَانَ الشَّيْطَانُ لِرَبِّهِ كَفُورًا 27 ٢٧

Tunay na ang mga tagapagwaldas ay laging mga kapatid ng demonyo. Ang demonyo sa Panginoon niya ay laging mapagtangging magpasalamat. (27)

Tafsīr
Tunay na ang mga tagapaggugol ng mga yaman nila sa mga pagsuway at ang mga tagapag-aksaya sa paggugol ay laging mga kapatid ng demonyo. Tumatalima sila sa mga iyon sa ipinag-uutos ng mga iyon sa kanila na pagwawaldas at pag-aaksaya. Ang demonyo sa Panginoon niya ay laging mapagtangging magpasalamat sapagkat hindi gumagawa iyon kundi ng anumang may pagsuway at hindi nag-uutos iyon kundi ng anumang ikinaiinis ng Panginoon niyon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba