Surah Al-Ḥujurāt (Ang mga Silid — الحجرات) (Talata 17)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nanunumbat sila sa iyo na nagpasakop sila. Sabihin mo: “Huwag kayong manumbat sa akin ng pagpapasakop ninyo, bagkus si Allāh ay nagmamagandang-loob sa inyo na pumatnubay Siya sa inyo sa pananampalataya, kung kayo ay naging mga tapat.” (17)
Tafsīr
Nanunumbat sa iyo, O Sugo, ang mga Arabeng disyerto na ito ng pagpapasakop nila sa Islām. Sabihin mo sa kanila: "Huwag kayong manumbat sa akin ng pagpasok ninyo sa relihiyon ni Allāh sapagkat ang pakinabang niyon – kung mangyayari – ay mauuwi sa inyo, bagkus si Allāh ay ang nagmamagandang-loob sa inyo sa pamamagitan ng pagtuon sa inyo sa pananampalataya sa Kanya, kung kayo ay mga tapat sa pag-aangkin ninyo na kayo ay pumasok doon."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: