Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 99)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 99

أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّ اللَّهَ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ قَادِرٌ عَلَىٰ أَنْ يَخْلُقَ مِثْلَهُمْ وَجَعَلَ لَهُمْ أَجَلًا لَا رَيْبَ فِيهِ فَأَبَى الظَّالِمُونَ إِلَّا كُفُورًا 99 ٩٩

Hindi ba sila nakakita na si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa ay nakakakaya na lumikha ng tulad nila. Gumawa Siya para sa kanila ng isang taning na walang pag-aalinlangan dito ngunit tumanggi [sa anuman] ang mga tagalabag sa katarungan maliban sa pagkawalang-pananampalataya. (99)

Tafsīr
Hindi ba nakaalam ang mga tagapagkailang ito ng pagkabuhay na si Allāh na lumikha sa mga langit at lupa sa kabila ng kalakihan ng mga ito ay nakakakaya na lumikha ng tulad nila sapagkat ang sinumang nakakaya sa paglikha ng isang malaki ay nakakakaya sa paglikha ng maliit pa roon. Gumawa nga si Allāh para sa kanila sa Mundo ng isang oras na tinakdaan na magwawakas doon ang buhay nila at gumawa Siya para sa kanila ng isang taning para sa pagbubuhay sa kanila, na walang pagdududa hinggil doon. Sa kabila ng paglitaw ng mga patunay sa pagkabuhay, tumanggi [sa anuman] ang mga tagapagtambal maliban sa pagkakaila sa pagkabuhay sa kabila ng kaliwanagan ng mga patunay rito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba