Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakapunta silang dalawa sa mga naninirahan sa isang pamayanan ay humingi silang dalawa ng makakain sa mga naninirahan doon ngunit tumanggi ang mga iyon na tumanggap sa kanilang dalawa bilang panauhin, saka nakatagpo silang dalawa roon ng isang pader na napipintong gumuho kaya itinayo niya iyon. Nagsabi [si Moises]: “Kung sakaling niloob mo ay talagang nakakuha ka para roon ng isang upa.” (77)
Tafsīr
Kaya naglakbay silang dalawa hanggang sa nang dumating silang dalawa sa mga naninirahan sa isang pamayanan ay humiling silang dalawa mula sa mga naninirahan doon ng pagkain ngunit tumanggi ang mga naninirahan sa pamayanan sa pagpapakain sa kanila at pagtupad sa tungkulin ng pagtanggap sa kanilang dalawa bilang panauhin. Saka nakatagpo silang dalawa sa pamayanan ng isang bakod na nakakiling na nalalapit nang bumagsak at malugso kaya ipinantay ito ni Al-Khiḍr hanggang sa tumuwid ito. Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga – kay Al-Khiḍr: "Kung sakaling niloob mong kumuha ng upa sa pag-aayos nito ay talagang nakakuha ka nito para sa pangangailangan natin matapos ng pagtanggi nila sa pagtanggap sa atin bilang panauhin."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: