Surah Maryam (Maria — مريم) (Talata 64)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




19 Maryam(مريم), Talata 64

وَمَا نَتَنَزَّلُ إِلَّا بِأَمْرِ رَبِّكَ ۖ لَهُ مَا بَيْنَ أَيْدِينَا وَمَا خَلْفَنَا وَمَا بَيْنَ ذَٰلِكَ ۚ وَمَا كَانَ رَبُّكَ نَسِيًّا 64 ٦٤

[Sabihin mo, O Anghel Gabriel:] “Hindi kami nagbababaan kundi ayon sa utos ng Panginoon mo. Sa Kanya ang nasa pagitan ng mga kamay namin at ang nasa likuran namin at ang nasa pagitan niyon. Laging ang Panginoon mo ay hindi malilimutin. (64)

Tafsīr
Sabihin mo, O Gabriel, kay Muḥammad – ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya: "Tunay na ang mga anghel ay hindi nagbababaan ayon sa pagkukusa ng mga sarili nila; nagbababaan lamang sila ayon sa utos ni Allāh. Sa kay Allāh ang kahaharapin namin kabilang sa nauukol sa Kabilang-buhay, ang maiiwan namin kabilang nauukol sa Mundo, at ang anumang nasa pagitan ng Mundo at Kabilang-buhay. Laging ang Panginoon mo, O Sugo, ay hindi lumilimot sa anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba