Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 115)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 115

وَلِلَّهِ الْمَشْرِقُ وَالْمَغْرِبُ ۚ فَأَيْنَمَا تُوَلُّوا فَثَمَّ وَجْهُ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ وَاسِعٌ عَلِيمٌ 115 ١١٥

Sa kay Allāh ang silangan at ang kanluran kaya saanman kayo humarap ay naroon ang Mukha ni Allāh. Tunay na si Allāh ay Malawak, Maalam. (115)

Tafsīr
Kay Allāh ang pagmamay-ari ng silangan, ng kanluran, at ng anumang nasa pagitan ng dalawang ito. Nag-uutos Siya sa mga lingkod Niya ng anumang niloob Niya. Kaya saanman kayo bumabaling, tunay na kayo ay humaharap kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sapagkat tunay na ang lagay ninyo sa pagharap sa Jerusalem o Ka`bah o kung nagkamali kayo sa qiblah o humirap sa inyo ang pagharap doon ay walang masama para sa inyo dahil ang mga dako sa kabuuan ng mga ito ay sa kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Tunay na si Allāh ay Malawak na nakasasakop sa nilikha Niya sa awa Niya at pagpapadali Niya sa kanila, Maalam sa mga layunin nila at mga gawain nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba