Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung naging may kagipitan [ang nagkautang] ay [magbigay ng] isang paghihintay hanggang sa kaluwagan [niya]; ngunit ang magkawanggawa kayo ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam. (280)
Tafsīr
Kung ang sinumang sinisingil ninyo sa utang ay nagigipit na hindi nakatatagpo ng pambayad sa utang niya, magpaliban kayo ng paniningil sa kanya hanggang sa maging maluwag sa kanya ang salapi at makatagpo ng ipambabayad sa utang. Ang magkawanggawa kayo sa kanya sa pamamagitan ng pagtigil sa pagsingil ng utang o pagbabale-wala sa isang bahagi nito sa kanya ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam sa kainaman niyon sa ganang kay Allāh – pagkataas-taas Siya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: