Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة), Talata 30 hanggang Talata 39

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 30 hanggang Talata 39

وَإِذْ قَالَ رَبُّكَ لِلْمَلَائِكَةِ إِنِّي جَاعِلٌ فِي الْأَرْضِ خَلِيفَةً ۖ قَالُوا أَتَجْعَلُ فِيهَا مَنْ يُفْسِدُ فِيهَا وَيَسْفِكُ الدِّمَاءَ وَنَحْنُ نُسَبِّحُ بِحَمْدِكَ وَنُقَدِّسُ لَكَ ۖ قَالَ إِنِّي أَعْلَمُ مَا لَا تَعْلَمُونَ 30 ٣٠ i

[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: “Tunay na Ako ay maglalagay sa lupa ng isang kahalili.” Nagsabi sila: “Maglalagay Ka ba roon ng manggugulo roon at magpapadanak ng mga dugo samantalang kami ay nagluluwalhati sa kapurihan Mo at nagpapabanal sa Iyo?” Nagsabi Siya: “Tunay na ako ay nakaaalam ng hindi ninyo nalalaman.” (30)

وَعَلَّمَ آدَمَ الْأَسْمَاءَ كُلَّهَا ثُمَّ عَرَضَهُمْ عَلَى الْمَلَائِكَةِ فَقَالَ أَنْبِئُونِي بِأَسْمَاءِ هَٰؤُلَاءِ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ 31 ٣١ i

Nagturo Siya kay Adan ng mga pangalan sa kalahatan ng mga ito. Pagkatapos naglahad Siya sa mga ito sa mga anghel at nagasabi: “Magbalita kayo sa Akin ng mga pangalan ng mga ito kung kayo ay mga tapat.” (31)

قَالُوا سُبْحَانَكَ لَا عِلْمَ لَنَا إِلَّا مَا عَلَّمْتَنَا ۖ إِنَّكَ أَنْتَ الْعَلِيمُ الْحَكِيمُ 32 ٣٢ i

Nagsabi Sila: “Kaluwalhatian sa Iyo [O Allāh]! Walang kaalaman sa amin maliban sa itinuro Mo sa amin. Tunay na Ikaw ay ang Maalam, ang Marunong.” (32)

قَالَ يَا آدَمُ أَنْبِئْهُمْ بِأَسْمَائِهِمْ ۖ فَلَمَّا أَنْبَأَهُمْ بِأَسْمَائِهِمْ قَالَ أَلَمْ أَقُلْ لَكُمْ إِنِّي أَعْلَمُ غَيْبَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَأَعْلَمُ مَا تُبْدُونَ وَمَا كُنْتُمْ تَكْتُمُونَ 33 ٣٣ i

Nagsabi Siya: “O Adan, magbalita ka sa kanila ng mga pangalan ng mga ito.” Kaya noong nagbalita ito sa kanila ng mga pangalan ng mga ito ay nagsabi Siya: “Hindi ba nagsabi Ako sa inyo tunay na Ako ay nakaaalam sa nakalingid sa mga langit at lupa at nakaaalam sa anumang inilalantad ninyo at anumang dati ninyong ikinukubli?” (33)

وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ أَبَىٰ وَاسْتَكْبَرَ وَكَانَ مِنَ الْكَافِرِينَ 34 ٣٤ i

[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan];” kaya nagpatirapa sila maliban si Satanas. Tumanggi siya, nagmalaki siya, at siya ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya. (34)

وَقُلْنَا يَا آدَمُ اسْكُنْ أَنْتَ وَزَوْجُكَ الْجَنَّةَ وَكُلَا مِنْهَا رَغَدًا حَيْثُ شِئْتُمَا وَلَا تَقْرَبَا هَٰذِهِ الشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ الظَّالِمِينَ 35 ٣٥ i

Nagsabi Kami: “O Adan, manahan ka at ang asawa mo sa Paraiso at kumain kayong dalawa mula rito nang masagana saanman ninyong dalawa loobin ngunit huwag kayong dalawa lumapit sa punong-kahoy na ito dahil kayong dalawa ay maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.” (35)

فَأَزَلَّهُمَا الشَّيْطَانُ عَنْهَا فَأَخْرَجَهُمَا مِمَّا كَانَا فِيهِ ۖ وَقُلْنَا اهْبِطُوا بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ ۖ وَلَكُمْ فِي الْأَرْضِ مُسْتَقَرٌّ وَمَتَاعٌ إِلَىٰ حِينٍ 36 ٣٦ i

Ngunit nagpatisod sa kanilang dalawa ang demonyo palayo roon at nagpalabas siya sa kanilang dalawa mula sa dating kinaroroonan nilang dalawa. Nagsabi Kami: “Lumapag kayo; ang iba sa inyo para sa iba ay kaaway. Ukol sa inyo sa lupa ay isang pinagtitigilan at isang natatamasa hanggang sa isang panahon.” (36)

فَتَلَقَّىٰ آدَمُ مِنْ رَبِّهِ كَلِمَاتٍ فَتَابَ عَلَيْهِ ۚ إِنَّهُ هُوَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ 37 ٣٧ i

Saka nakatanggap si Adan mula sa Panginoon nito ng mga salita [ng paghingi ng kapatawaran] saka tumanggap Siya sa pagbabalik-loob nito. Tunay na Siya ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain. (37)

قُلْنَا اهْبِطُوا مِنْهَا جَمِيعًا ۖ فَإِمَّا يَأْتِيَنَّكُمْ مِنِّي هُدًى فَمَنْ تَبِعَ هُدَايَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ 38 ٣٨ i

Nagsabi Kami: “Bumaba kayo mula rito nang lahatan. Kung may darating nga naman sa inyo mula sa Akin na isang patnubay, ang mga sumunod sa patnubay Ko ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.” (38)

وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ 39 ٣٩ i

Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili. (39)

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba