Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 80)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 80

وَقَالُوا لَنْ تَمَسَّنَا النَّارُ إِلَّا أَيَّامًا مَعْدُودَةً ۚ قُلْ أَتَّخَذْتُمْ عِنْدَ اللَّهِ عَهْدًا فَلَنْ يُخْلِفَ اللَّهُ عَهْدَهُ ۖ أَمْ تَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ 80 ٨٠

Nagsasabi sila: “Hindi sasaling sa amin ang Apoy maliban sa mga araw na mabibilang.” Sabihin mo: “Gumawa ba kayo sa ganang kay Allāh ng isang kasunduan sapagkat hindi sisira si Allāh sa kasunduan sa Kanya, o nagsasabi kayo hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman?” (80)

Tafsīr
Nagsabi sila nang pasinungaling at pahibang: "Hindi sasaling sa amin ang Apoy at hindi kami papasok doon maliban sa kakaunting araw." Sabihin mo, O Propeta, sa mga ito: "Nakatanggap kaya kayo hinggil doon ng isang pangakong binigyang-diin mula kay Allāh sapagkat kung nagkaroon kayo niyon, tunay na si Allāh ay hindi sumisira sa kasunduan sa Kanya; o na kayo ay nagsasabi hinggil kay Allāh ng isang kasinungalingan at isang kabulaanan na hindi ninyo nalalaman?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba