Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 87)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 87

وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ وَقَفَّيْنَا مِنْ بَعْدِهِ بِالرُّسُلِ ۖ وَآتَيْنَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ الْبَيِّنَاتِ وَأَيَّدْنَاهُ بِرُوحِ الْقُدُسِ ۗ أَفَكُلَّمَا جَاءَكُمْ رَسُولٌ بِمَا لَا تَهْوَىٰ أَنْفُسُكُمُ اسْتَكْبَرْتُمْ فَفَرِيقًا كَذَّبْتُمْ وَفَرِيقًا تَقْتُلُونَ 87 ٨٧

Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan at nagpasunod Kami matapos na Niya ng mga sugo. Nagbigay Kami kay Jesus na anak ni Maria ng mga malinaw na patunay at nag-alalay Kami sa kanya sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan. Kaya ba sa tuwing may naghatid sa inyo na isang sugo ng hindi pinipithaya ng mga sarili ninyo ay nagmamalaki kayo sapagkat sa isang pangkat ay nagpapabula kayo at sa isang pangkat ay pumapatay kayo? (87)

Tafsīr
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah at nagpasunod Kami sa kanya ng mga sugo nang matapos niya sa bakas niya. Nagbigay Kami kay Hesus na anak ni Maria ng mga tanda na maliwanag na naglilinaw sa katapatan niya gaya ng pagbibigay-buhay sa mga patay, ng pagpapagaling sa ipinanganak na bulag, at ng pagpapagaling sa ketongin. Nagpalakas Kami sa kanya sa pamamagitan ni Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Kaya ba sa tuwing may naghatid sa inyo, O mga anak ni Israel, na isang sugo mula sa ganang kay Allāh ng anumang hindi sumasang-ayon sa mga pithaya ninyo ay nagmamalaki kayo sa katotohanan at nagpapakataas-taas kayo sa mga sugo ni Allāh sapagkat may isang pangkat kabilang sa kanila na pinasisinungalingan ninyo at may isang pangkat na pinapatay ninyo?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba