Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 90)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 90

بِئْسَمَا اشْتَرَوْا بِهِ أَنْفُسَهُمْ أَنْ يَكْفُرُوا بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ بَغْيًا أَنْ يُنَزِّلَ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۖ فَبَاءُوا بِغَضَبٍ عَلَىٰ غَضَبٍ ۚ وَلِلْكَافِرِينَ عَذَابٌ مُهِينٌ 90 ٩٠

Kay saklap ng pinagbilihan nila ng mga sarili nila, na tumanggi silang sumampalataya sa pinababa ni Allāh dala ng paglabag dahil nagbaba si Allāh ng kabutihang-loob Niya sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Kaya bumalik sila kalakip ng isang galit [dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Muḥammad] sa ibabaw ng isang galit [dahil sa pagpilipit nila sa Torah]. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang manghahamak. (90)

Tafsīr
Kay saklap ng ipinagpalit nila sa bahagi ng mga sarili nila na pananampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya sapagkat tumanggi silang sumampalataya sa pinababa ni Allāh at nagpasinungaling sila sa mga sugo Niya dala ng kawalang-katarungan at inggit dahilan sa pagpapababa ng pagkapropeta at ng Qur'ān kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Kaya naman naging karapat-dapat sila sa isang galit na pinag-ibayo mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya – dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at dahilan sa pagpilipit nila sa Torah bago pa nito. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya sa pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isang pagdurusang mang-aaba sa Araw ng Pagbangon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba