Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi mo ba napag-alaman na kay Allāh ay nagpapatirapa ang sinumang nasa mga langit, ang sinumang nasa lupa, ang araw, ang buwan, ang mga bituin, ang mga bundok, ang mga punong-kahoy, ang mga hayop, at ang marami sa mga tao. May marami na nagindapat sa kanila ang pagdurusa. Ang sinumang hinahamak ni Allāh ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagparangal. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang niloloob Niya. (18)
Tafsīr
Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, na kay Allāh ay nagpapatirapa ayon sa pagpapatirapa ng pagtalima ang sinumang nasa mga langit na mga anghel at ang sinumang nasa lupa na mga mananampalataya ng tao at jinn. Nagpapatirapa sa Kanya ang araw; nagpapatirapa sa Kanya ang buwan; nagpapatirapa sa Kanya ang mga bituin sa langit, ang mga bundok, ang mga punong-kahoy, at ang mga hayop sa lupa ayon sa pagpapatirapa ng pagpapaakay; at nagpapatirapa sa Kanya ang marami sa mga tao ayon sa pagpapatirapa ng pagtalima. May maraming tumanggi sa pagpapatirapa sa Kanya bilang pagtalima. Kaya nagindapat sa kanila ang pagdurusang dulot ni Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila. Ang sinumang huhusgahan ni Allāh ng pagkahamak at kaabahan dahil sa kawalang-pananampalataya niya ay wala sa kanyang isang magpaparangal. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang niloloob Niya sapagkat walang tagapilit sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: