Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 74)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 74

مَا قَدَرُوا اللَّهَ حَقَّ قَدْرِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَقَوِيٌّ عَزِيزٌ 74 ٧٤

Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga sa Kanya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas, Makapangyarihan. (74)

Tafsīr
Hindi sila dumakila kay Allāh nang totoong pagdakila sa Kanya nang sumamba sila kasama sa Kanya sa ilan sa mga nilikha Niya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas – at bahagi ng lakas Niya at kakayahan Niya ang paglikha sa mga langit at lupa at sinumang nasa mga ito – Makapangyarihan: walang nakikipagdaigan sa Kanya ni isa man, bilang kasalungatan sa mga anito ng mga tagapagtambal sapagkat ang mga ito ay mahinang hamak na hindi nakalilikha ng anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba