Surah Al-Mu’minūn (Ang mga Mananampalataya — المؤمنون) (Talata 32)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




23 Al-Mu’minūn(المؤمنون), Talata 32

فَأَرْسَلْنَا فِيهِمْ رَسُولًا مِنْهُمْ أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ أَفَلَا تَتَّقُونَ 32 ٣٢

Saka nagsugo Kami sa kanila ng isang sugo [na si Propeta Hūd na] kabilang sa kanila, na [nagsasabi]: “Sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?” (32)

Tafsīr
Saka nagpadala Kami sa kanila ng isang sugong kabilang sa kanila, na nag-aanyaya sa kanila tungo kay Allāh, saka nagsasabi ito sa kanila: "Sumamba kayo kay Allāh lamang; walang ukol sa inyo na anumang sinasamba ayon sa karapatan, na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga sinasaway Niya at pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba