Surah An-Nūr (Ang Liwanag — النور) (Talata 45)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




24 An-Nūr(النور), Talata 45

وَاللَّهُ خَلَقَ كُلَّ دَابَّةٍ مِنْ مَاءٍ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ يَمْشِي عَلَىٰ بَطْنِهِ وَمِنْهُمْ مَنْ يَمْشِي عَلَىٰ رِجْلَيْنِ وَمِنْهُمْ مَنْ يَمْشِي عَلَىٰ أَرْبَعٍ ۚ يَخْلُقُ اللَّهُ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 45 ٤٥

Si Allāh ay lumikha sa bawat gumagalaw na nilalang mula sa tubig, saka mayroon sa kanila na naglalakad sa tiyan, mayroon sa kanila na naglalakad sa dalawang paa, at mayroon sa kanila na naglalakad sa apat. Lumilikha si Allāh ng anumang niloloob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. (45)

Tafsīr
Si Allāh ay lumikha sa bawat umuusad sa balat ng lupa na hayop mula sa isang punlay. Mayroon sa kanila na naglalakad sa tiyan nito nang pagapang gaya ng mga ahas, mayroon sa kanila na naglalakad sa dalawang paa gaya ng tao at ibon, at mayroon sa kanila na naglalakad sa apat gaya ng mga hayupan. Lumilikha si Allāh ng anumang niloloob Niya kabilang sa nabanggit Niya at kabilang sa hindi Niya binanggit. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba