Surah An-Nūr (Ang Liwanag — النور) (Talata 53)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




24 An-Nūr(النور), Talata 53

وَأَقْسَمُوا بِاللَّهِ جَهْدَ أَيْمَانِهِمْ لَئِنْ أَمَرْتَهُمْ لَيَخْرُجُنَّ ۖ قُلْ لَا تُقْسِمُوا ۖ طَاعَةٌ مَعْرُوفَةٌ ۚ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ 53 ٥٣

Sumumpa sila kay Allāh nang taimtim sa mga panunumpa nila na talagang kung nag-utos ka sa kanila ay talagang lilisan nga sila [para makibaka]. Sabihin mo: “Huwag kayong sumumpa. Isang pagtalimang kilala [na huwad ang nasa inyo].” Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo. (53)

Tafsīr
Nanumpa ang mga mapagpaimbabaw kay Allāh nang pinakasukdulan sa mga panunumpa nilang mariin na nakakakaya nilang panumpaan na talagang kung nag-utos ka sa kanila ng paglisan tungo sa pakikibaka ay talagang lilisan nga sila. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Huwag kayong manumpa sapagkat ang kasinungalingan ninyo ay kilala at ang pagtalima ninyong inaangkin ay kilala." Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo gaano man kayo magkubli ng mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba