Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sa Araw na makikita nila ang mga anghel, walang balitang nakagagalak sa araw na iyon para sa mga salarin at magsasabi [ang mga anghel]: “[Ang balitang nakagagalak ay naging] isang hadlang na hinadlangan!” (22)
Tafsīr
Sa Araw na mapagmamasdan ng mga tagatangging sumampalataya ang mga anghel sa sandali ng kamatayan nila, sa Barzakh, sa sandali ng pagbuhay sa kanila, kapag inihatid sila para sa pagtutuos, at kapag papasok sila sa Apoy ay walang balitang nakagagalak para sa kanila sa mga kalagayang iyon, na salungat sa mga mananampalataya, at magsasabi sa kanila ang mga anghel: "Bawal, ipinagbabawal sa inyo ang nakalulugod na balita mula kay Allāh!"
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: