Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Bigkasin mo ang ikinasi sa iyo mula sa Aklat at panatilihin mo ang pagdarasal; tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama. Talagang ang pag-alaala kay Allāh ay higit na malaki. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo. (45)
Tafsīr
Bigkasin mo, O Sugo, sa mga tao ang ikinasi sa iyo ni Allāh mula sa Qur'ān. Magsagawa ka ng pagdarasal sa pinakalubos na paraan. Tunay na ang pagdarasal na isinagawa ayon sa katangian nitong lubos ay sumasaway sa tagapagsagawa nito palayo sa pagkakasadlak sa mga pagsuway at mga nakasasama dahil sa idinudulot nito na liwanag sa mga puso, na pumipigil sa paggawa ng mga pagsuway at gumagabay sa paggawa ng mga maayos. Talagang ang pag-alaala kay Allāh ay higit na malaki at higit na dakila kaysa sa bawat bagay. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga gawain ninyo, na [ang ganti] kung mabuti ay mabuti rin at kung masama ay masama rin.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: