Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 185)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Lulubus-lubusin lamang kayo sa mga pabuya sa inyo sa Araw ng Pagbangon. Kaya ang sinumang hinango palayo sa Apoy at pinapasok sa Paraiso ay nagtamo nga siya. Walang iba ang buhay na pangmundo kundi ang natatamasa ng pagkalinlang. (185)
Tafsīr
Bawat kaluluwa, maging anuman ito, ay hindi maiiwasan na lumasap ng kamatayan kaya huwag palilinlang ang isang nilikha sa Mundong ito. Sa Araw ng Pagbangon ay bibigyan kayo ng mga pabuya ng mga gawa ninyo nang kumpleto na hindi nabawasan. Kaya ang sinumang inilayo ni Allāh buhat sa Apoy at pinapasok Niya sa Paraiso ay nagtamo nga ng hinahangad niya na kabutihan at naligtas sa pinangangambahan niya na kasamaan. Walang iba ang buhay na pangmundo kundi isang natatamasang naglalaho at walang nahuhumaling dito kundi ang nadaya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: