Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 36)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 36

فَلَمَّا وَضَعَتْهَا قَالَتْ رَبِّ إِنِّي وَضَعْتُهَا أُنْثَىٰ وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا وَضَعَتْ وَلَيْسَ الذَّكَرُ كَالْأُنْثَىٰ ۖ وَإِنِّي سَمَّيْتُهَا مَرْيَمَ وَإِنِّي أُعِيذُهَا بِكَ وَذُرِّيَّتَهَا مِنَ الشَّيْطَانِ الرَّجِيمِ 36 ٣٦

Ngunit noong nagsilang siya ito ay nagsabi siya: “Panginoon ko, tunay na ako ay nagsilang sa kanya na isang babae,” – samantalang si Allāh ay higit na maalam sa isinilang niya at ang lalaki ay hindi gaya ng babae – “tunay na ako ay nagpangalan sa kanya na Maria, at tunay na ako ay naglalagay sa kanya at mga supling niya sa pagkukupkop Mo laban sa demonyong kasumpa-sumpa.” (36)

Tafsīr
Ngunit noong natapos ang pagbubuntis niya, nagsilang siya ng nasa tiyan niya at nagsabi siya habang humihingi ng paumanhin – yayamang naghahangad siya na ang ipinagbubuntis ay maging lalaki sana: "O Panginoon ko, tunay na ako ay nanganak sa kanya na isang babae," – samantalang si Allāh ay higit na maalam sa ipinanganak niya at ang lalaking hinahangad niya ay hindi gaya ng babaing ipinagkaloob sa kanya sa lakas at pagkakalikha – "tunay na ako ay nagpangalan sa kanya na Maria, at tunay na ako ay nagpapakanlong sa kanya sa Iyo – siya at ang mga magiging supling niya – laban sa demonyong itinaboy mula sa awa Mo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba