Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 64)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 64

قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ تَعَالَوْا إِلَىٰ كَلِمَةٍ سَوَاءٍ بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمْ أَلَّا نَعْبُدَ إِلَّا اللَّهَ وَلَا نُشْرِكَ بِهِ شَيْئًا وَلَا يَتَّخِذَ بَعْضُنَا بَعْضًا أَرْبَابًا مِنْ دُونِ اللَّهِ ۚ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَقُولُوا اشْهَدُوا بِأَنَّا مُسْلِمُونَ 64 ٦٤

Sabihin mo: “O mga May Kasulatan, halikayo sa isang salitang magkatulad sa pagitan namin at ninyo: na hindi tayo sasamba kundi kay Allāh, hindi tayo magtatambal sa Kanya ng anuman, at hindi gagawa ang iba sa atin sa iba bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh.” Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin ninyo: “Sumaksi kayo na kami ay mga Muslim.” (64)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Halikayo, O mga May Aklat kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano; magkaisa tayo sa isang salita ng katarungan na nagkakapantay tayo rito sa kalahatan: na magbukod-tangi tayo kay Allāh sa pagsamba kaya hindi tayo sasamba kasama Niya sa isa mang iba pa sa Kanya maging ano pa man ang kaantasan nito at gaano pa man tumaas ang kalagayan nito, at hindi gagawa ang iba sa atin sa iba bilang mga panginoong sinasamba at tinatalima bukod pa kay Allāh." Ngunit kung lumisan sila palayo sa ipinaaanyaya mo sa kanila na katotohanan at katarungan ay sabihin ninyo sa kanila, O mga mananampalataya: "Sumaksi kayo na kami ay mga sumusuko kay Allāh, mga nagpapaakay sa Kanya – pagkataas-taas Siya – sa pagtalima."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba