Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 91)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 91

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا وَمَاتُوا وَهُمْ كُفَّارٌ فَلَنْ يُقْبَلَ مِنْ أَحَدِهِمْ مِلْءُ الْأَرْضِ ذَهَبًا وَلَوِ افْتَدَىٰ بِهِ ۗ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ وَمَا لَهُمْ مِنْ نَاصِرِينَ 91 ٩١

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at namatay samantalang sila ay mga tagatangging sumampalataya ay hindi tatanggapin mula sa isa sa kanila ang kasukat ng Mundo na ginto at kahit pa man ipantubos niya ito. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang masakit at walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya. (91)

Tafsīr
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at namatay sa kawalang-pananampalataya nila ay hindi tatanggapin mula sa isa sa kanila ang kasimbigat ng Mundo na ginto at kahit pa man magkaloob siya nito kapalit ng pagkaalpas niya mula sa Apoy. Ang mga iyon ay ang mga may ukol sa kanila na isang pagdurusang masakit at walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya sa Araw ng Pagbangon, na magsasanggalang sa kanila sa pagdurusa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba