Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Naglahad Siya para sa inyo ng isang paghahalintulad mula sa mga sarili ninyo. Mayroon kaya kayo mula sa minamay-ari ng mga kanang kamay ninyo na anumang mga katambal sa anumang itinustos Namin sa inyo, kaya naman kayo roon ay magkapantay, na nangangamba kayo gaya ng pangangamba ninyo sa mga sarili ninyo? Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa. (28)
Tafsīr
Naglahad si Allāh para sa inyo, O mga tagapagtambal, ng isang paghahalintulad na kinuha mula sa mga sarili ninyo. Mayroon kaya kayo mula sa mga alipin ninyo at mga minamay-ari ninyo na isang katambal na nakikitambal sa inyo sa mga ari-arian ninyo nang magkapantay, na nangangamba kayo na makihati sila sa mga ari-arian ninyo kasama sa inyo gaya ng pangangamba ng iba sa inyo sa katambal niyang malaya na makihati kasama sa kanya sa ari-arian? Malulugod kaya kayo sa ganito para sa mga sarili ninyo mula sa mga alipin ninyo? Walang duda na kayo ay hindi malulugod sa ganoon. Kaya si Allāh ay higit na marapat na hindi Siya magkaroon ng isang katambal sa paghahari Niya sa mga nilikha Niya at mga alipin Niya. Sa pamamagitan ng tulad niyon na paglalahad ng mga paghahalintulad at iba pa roon, naglilinaw Kami ng mga katwiran at mga patotoo sa pamamagitan ng pagsasari-sari sa mga ito para sa mga taong nakapag-uunawa dahil sila ay ang mga makikinabang doon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: