Surah Ar-Rūm (Ang mga Romano — الروم) (Talata 36)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




30 Ar-Rūm(الروم), Talata 36

وَإِذَا أَذَقْنَا النَّاسَ رَحْمَةً فَرِحُوا بِهَا ۖ وَإِنْ تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ إِذَا هُمْ يَقْنَطُونَ 36 ٣٦

Kapag nagpalasap Kami sa mga tao ng isang awa ay nagagalak sila rito. Kapag may tumama sa kanila na isang masagwa dahil sa ipinauna ng mga kamay nila [na mga kasalanan], biglang sila ay nasisiraan ng loob. (36)

Tafsīr
Kapag nagpalasap Kami sa mga tao ng isang biyaya mula sa mga biyaya Namin gaya ng kalusugan at pagyaman ay nagagalak sila rito ayon sa pagkagalak ng kawalang-pakundangan at nagpapakamalaki sila. Kapag ipinatamo sa kanila ang ikinasasama ng loob nila gaya ng karamdaman at karukhaan dahil sa nakamit ng mga kamay nila na mga pagsuway, biglang sila ay nalalagutan ng pag-asa mula sa awa ni Allāh at nalalagutan ng pag-asa sa paglaho ng ikinasasama ng loob nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba